P400K CASH NATANGAY SA NAKAW NA CELLPHONE

RIZAL – Umabot sa mahigit P400,000 ang natangay mula sa isang babae makaraang madukot ang kanyang cellphone sa bayan ng Taytay sa lalawigan, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa 60-anyos na biktimang si Ma. Carina Victoria Bayabo, nakatayo siya sa isang waiting shed sa Ortigas Avenue, Brgy. San Isidro, Taytay, nang may lumapit sa kanyang likuran na isang lalaki. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay dinukot nito mula sa kanyang bag ang isang Iphone na P40,000 ang halaga, kung saan naka-log in ang mobile apps para sa online money services.…

Read More

P6-M SHABU NASABAT SA ZAMBO PENAL COLONY

ZAMBOANGA CITY – Tinatayang nasa P6 milyong halaga ng illegal drugs ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa labas ng gate ng San Ramon Penal Colony sa Zamboanga City noong Martes. Ayon sa PDEA, isinagawa ang buy-bust operation laban sa person deprived of liberty (PDL) na si Kerwin Mohammad Abdila, 42, isang living out inmate sa nasabing bilangguan. Naaresto rin ang kasama nito na si Albadir Mala Ajijul. Nakuha mula sa mga ito ang isang kilo ng droga na tinatayang nagkakahalaga…

Read More

PAGKAHULOG NG BATA SA HIGH RISE CONDO, PINASISIYASAT

CEBU CITY – Pinaiimbestigahan ng isang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Cebu ang nangyaring pagkahulog at pagkasawi ng isang 4-anyos na bata mula sa ika-27 palapag ng condominium sa Brgy. Lahug sa lalawigan noong Lunes. Sa isinumiteng resolusyon ni City Councilor Rey Gealon sa Cebu City Council, sinabi nito na dapat suriin ang occupancy permit ng gusali. Sinabi rin ni Gealon na nais niyang makita kung nakasunod ang condominium sa guidelines na itinakda ng National Building Code of the Philippines. Iimbitahan ang Office of the Building Official o OBO na…

Read More

ADJUSTED CLASS SCHEDULE INIUTOS SA MAYNILA

INATASAN ng Manila Schools Division Office sa pamamagitan ng inilabas na memorandum na magsagawa ng klase ang public schools mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali dahil na rin sa umiiral na El Niño na nakaaapekto sa bansa. Nakasaad sa memorandum na may petsang Abril 8 at nilagdaan ni SDO Chief education supervisor Nerissa Lomeda na magiging epektibo ang kautusan ngayong Huwebes, Abril 11 hanggang Mayo 28 sa lahat ng public schools sa lungsod. Ang pagpapatupad ng division memorandum ay resulta ng consultative meeting sa iba’t ibang stakeholders sa…

Read More

PAG-BAN SA POGO DINIINAN NI GATCHALIAN

MULING binigyang-diin ng ilang senador ang pangangailangan na tuluyan nang i-ban sa bansa ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Kasabay nito, pinuri nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senador Win Gatchalian ang aksyon ng administrasyon na i-freeze ang assets ng ni-raid na POGO firm sa Tarlac. Sinabi ni Villanueva na ang aksyon ng gobyerno ay malinaw na mensahe na kailangan na ng seryosong hakbangin upang masawata ang ilegal na operasyon ng POGO sa bansa. Muling iginiit ni Villanueva na anumang nakukuha ng gobyerno sa operasyon ng…

Read More

NBI NAGBABALA SA PAGPIRMA NG QUITCLAIMS SA OSPITAL

NAGBABALA ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa pagpirma ng quit claims ng mga pasyente sa ospital. Ito ay kasunod ng nangyaring insidente sa isang 10-anyos na lalaki na dumanas ng second degree burn sa kanyang ari, hita at tiyan matapos sumabog ang surgical gloves na umano’y ginamit ng nursing aide bilang hot compress sa pasyente. Dahil sa pangyayari, nakatakdang ipatawag ng Quezon City Prosecutors Office ang kinatawan ng ospital dahil sa kanilang kapabayaan at kasunod ng reklamo ng ina ng bata na si alyas “Jocelyn ” sa NBI.…

Read More

KOREANO NAG-DIVE SA CONDO?

NAHULOG mula sa ikasiyam na palapag ng tinutuluyang condominium ang isang Korean national sa Maynila nitong Miyerkoles. Sa ulat ni Det. Gary Reyes kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang 7:55 ng umaga nang mahulog mula sa ika-9 na palapag ng condominium sa A. Adriatico Street, Malate ang biktima na kinilalang si Wonbin Lee. Pinaghihinalaang sadyang tumalon mula sa kanyang unit sa Room 501 ang biktima bagaman hindi pa batid ng mga awtoridad ang dahilan ng pagpapakamatay umano nito. Pansamantalang inilagak sa Body and…

Read More

2 SUSPEK SA NATAGPUANG BABAE SA KAHON, NABITAG

ARESTADO ang isang lalaki na nagtapon umano ng bangkay ng isang babae na inilagay sa kahon, gayundin ang mastermind sa krimen, noong Sabado ng gabi sa Masuwerte Street, Barangay 109, Tondo, Manila. Sa pamumuno ni Police Major Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District – Criminal Investigation Section (CIS), kasama ang mga tauhan ni Police Captain Dennis Turla ng MPD – Homicide Section, natimbog ang suspek matapos magsagawa ng back tracking ang mga pulis sa kahabaan ng Maswerte St. noong Sabado ng gabi. Ayon kay MPD Director Police Brigadier General…

Read More

MARAMING DUDA SA KAKAYAHAN NI BBM NA LUTASIN ANG PROBLEMA SA TRAPIKO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MALAKING hamon sa gobyerno ang paglutas sa problema sa trapiko sa kalakhang Maynila. Malaon na itong problema kaya nga nabuo ang salitang ‘carmageddon’ ngunit hindi nasolusyunan sa nakalipas na mga administrasyon. Kung magagawa nga ni Pangulong Marcos Jr. na maibsan ang matinding problema sa trapiko, aba’y magaling. Hindi man niya mabigyang katuparan ang pangakong P20 kada kilo ng bigas ay malaking ‘pogi points’ sa kanya sakaling guminhawa ang biyahe sa Metro Manila. Marami ang nag-aalinlangan sa kakayahan ni Marcos Jr. dahil wala naman daw itong alam.…

Read More