PAGPAPALAKAS NG KAPASIDAD SA ENERHIYA AT PAGSASAKATUPARAN NG REPORMANG AGRARYO

TARGET ni KA REX CAYANONG SA paglipas ng mga dekada, ang pag-unlad at pagpapalakas ng imprastruktura sa enerhiya ay patuloy na nagsisilbing pundasyon ng kaunlaran ng ating bansa. Kamakailan lamang, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isang pangunahing hakbang ang naganap sa pagpapatibay ng pasilidad sa kuryente sa rehiyon ng Cebu-Negros-Panay (CNP) 230-kiloVolt (kV) Backbone. Kasunod ng aerial inspection, ipinakita ni Pangulong Marcos ang kanyang determinasyon at komitment sa pagtataguyod ng matatag na imprastraktura sa enerhiya. Ang energization ng pasilidad para sa full capacity ng buong transmission system sa Visayas…

Read More

DATING ES RODRIGUEZ ‘DI KASAMA NANG MAGPA-DRUG TEST SI MARCOS NOONG 2021

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SA gitna ng pagkwestyon at muling paglutang ng resulta ng drug test ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., naglabas ng paglilinaw ang dati niyang Executive Secretary na si Atty. Vic Rodriguez. Ani Rodriguez, hindi siya kasama nang sumailalim sa drug test si Marcos Jr. noong 2021 bagkus ay iniabot lamang sa kanya ang resulta nito. “No, I was not with him. When he subjected himself to the drug test. I have answered this many times in the past. Now, what I have is the result. Yes,…

Read More

BI chief pumalag sa reklamo INDIANS PALABAN VS ‘KOTONG’ NG BI

HINDI umatras ang grupo ng mga Indian national sa paghahain ng reklamo laban sa mga tiwali umanong tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nangotong sa kanila. Kamakalawa, nagtungo sa Pasay Prosecutors Office ang mahigit 20 miyembro ng Indian community mula sa Iloilo at Antique para magsampa ng reklamo laban sa ilang opisyal ng BI. Ayon kay Atty. Boy Magpantay, kasong kidnapping at extortion ang isinampa ng mga Indian laban sa 13 Immigration officers. Kabilang umano sa mga inireklamo sina Immigration Officer II Jude Hinolan, Immigration Assistant Maristela Gandamra, at…

Read More

MGA BAYANI PINAGTATAKSILAN NI MARCOS JR?

ITINUTURING ng isang mambabatas sa Kamara na pagtataksil sa mga bayani na magiting na ipinaglaban ang kasarinlan ng Pilipinas ang ginagawa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na inaasa sa ibang bansa ang pagtatanggol sa Pilipinas. Pahayag ito ni ACT party-list Rep. France Castro kasabay ng ika-82 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan. “Mahirap magkaroon ng mga pinuno na inuuna ang interes ng dayuhan o iilan at nagbibingi-bingihan sa daing ng taongbayan. Malaking pagtataksil ito sa ipinaglaban ng ating mga bayani noong nakaraan at pagbebenta sa ating kalayaan,” ayon sa…

Read More

‘WHOOPING COUGH’ TREATMENT SAKOP NG PHILHEALTH

TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na sakop nito ang ‘inpatient confinement’ na may kinalaman sa “whooping cough” condition. Sa isang kalatas, sinabi ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr., na para sa mga kaso na nangangailangan ng confinement o madala sa ospital, nag-aalok ang PhilHealth ng case rate benefits na P13,000 hanggang P19,000 para sa pertussis treatment. “We understand the concerns surrounding pertussis treatment and want to reassure the public that PhilHealth is fully committed to supporting individuals needing inpatient care for this illness,” ayon…

Read More

DEMILITARISASYON SA SOUTH CHINA SEA, IGIIT SA UN — EX-SOLON

IGINIIT ng isang dating kongresista kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pangunahan ang Joint Resolution sa United Nations para ipatupad ang demilitarization policy sa South China Sea matapos payagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatayo ng pitong (7) military bases sa rehiyon. Ayon kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares, kailangang igiit ni Marcos sa UN na ipatupad ang Article 2, Paragraph 3 sa UN Charter na resolbahin ang problema ng dalawang bansa sa pamamagitan ng mapayapang paraan kabilang na ang pagtatanggal ng puwersa sa pinag-aawayang teritoryo. “The militarization…

Read More

SENIOR, 2 PA BINUGBOG NG MGA LASING

CAVITE – Sugatan ang tatlo katao, kabilang ang isang senior citizen nang gulpihin ng tatlong lasing na kalalakihan na lumusob sa kanilang lugar sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas ang mga biktimang sina alyas “Billy”, 40, isang painter; alyas “Mulong”, 38, tricycle driver, at alyas “Librado”, 66, mga residente ng Brgy. Burol 3, Dasmarinas City. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Totoy”, 27, mekaniko, at alyas “Bokbok”, 29, maintenance crew, kapwa residente ng Brgy. Burol 3, Dasmariñas…

Read More

MGA NAGSAKRIPISYO PARA SA BAYAN KINILALA

KINILALA kahapon ang mga beteranong Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan, kasarinlan at kapayapaan ng bansa. Kasama si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., binigyang pagkilala ng Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP), ang mga beterano sa paggunita ng ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan. “Magsilbi nawang inspirasyon ang kanilang kagitingan sa pagkakaisa ng sambayanan at sa pagtugon sa mga hamon ng panahon, tungo sa mapayapa, matatag, at maunlad na Bagong Pilipinas,” bahagi ng pananalita ni DND Secretary Gilberto Teodoro Jr.…

Read More

QUIBOLOY KUMPIRMADONG MAY MULTI-MILLION FIREARMS

PINAG-AARALAN ng Philippine National Police kung kinakailangang kanselahin na ang kaukulang mga dokumento ng mga baril na pag-aari umano ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, na kasalukuyang itinuturing na pugante ng mga awtoridad. Ito ay matapos na kumpirmahin ng PNP na totoong mayroong pagmamay-ari na mga armas si “self-proclaimed appointed of son of God” Apollo Quiboloy na target ngayon ng manhunt operation matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Davao Regional Trial Court Branch 12, laban sa kanya kaugnay sa mga kasong sexual at child abuse.…

Read More