Ni Ann Esternon
Nakaka-turn off sa tao kapag bad breath siya o mabaho ang hininga.
Ang pagkakaroon ng mabahong hininga ay basta masamang amoy sa bibig dahil hindi ka nagsipilyo matapos mong kumain kundi isang malalang kondisyon na ang tawag ay halitosis. Ang pagkakaroon nito ay indikasyon ng pagpapabaya at walang oral hygiene.
Ang halitosis na tinatawag ding bad breath (o fetor oris) ay nangyayari sa 25 porsyento ng tao sa mundo o isa sa bawat apat na tao. Karaniwan o nangayayari ito pero dapat ito ay iniiwasan dahil nakahihiya sa katabi o kausap.
Ang halitosis ay hango sa mga salitang Latin na halitus na ang ibig sabihin ay hininga habang ang osis ay kondisyon.
Nagkakaroon ng amoy kapag may particles ng pagkain ang naiwan sa bibig, nauuwi ito sa bacteria na siya namang nagpo-produce ng sulfur compounds – iyan ang dahilan ng pagkakaroon ng masamang amoy. Mas maraming food articles na naiiwan sa bibig, mas malakas ang amoy nito na hindi maganda.
Isang mabuting paraan para maiwasan ito ay ang palagiang pagsisipilyo matapos kumain. Mas maiging sundan ito ng pagpo-floss upang mawala ang mga nakasingit sa pagitan ng mga ngipin. Sipilyuhin din ang dila at gilagid. Matapos nito ay magmumog gamit ang mouth wash.
Isa pang paraan para maging healthy at fresh ang hininga ay panatilihing hydrated ka. Regular na uminom ng tubig.
Ang pagkakaroon din ng halitosis ay maaaring dahil sa mayroon kang sakit, dahil mismo sa pagkakaroon ng gum disease o dahil sa sirang ngipin na hindi natatanggal.
Iwasan ang paninigarilyo at ugaliin magpatingin sa dentista nang regular para higit na malaman ang kondisyon ng inyong kalusugan.
