BAKUNA SA LABAS NG NCR HANGGANG 20K LANG

MAKAKAKUHA lamang ang mga lalawigan sa labas ng Metro Manila ng 15,000 hanggang 20,000 doses bawat isa habang nag-aagawan ang mga bansa ng mas maraming suplay ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na 1.5 million Sinovac vaccines ang nakatakdang i-deliver ngayong buwan sa mga lugar na sumirit ang COVID-19 infections at sa mga lalawigan na hindi pa nakatatanggap ng bakuna.

“Kaunting pasensya lang sa probinsya kasi kapag pinaghati-hati natin ang probinsya, majority po nagkaroon lang ng 15,000 to 20,000 ang pinakamalaki,” ani Galvez.

Ipinaliwanag ni Galvez na target ng vaccine manufacturer na tapusin na ang 20.5 million doses na delivery sa buwan ng Setyembre sa halip na Nobyembre. (CHRISTIAN DALE)

152

Related posts

Leave a Comment