HINDI ito ang tamang paraan para patulan ang mungkahing ihiwalay ang mga empleyadong bakunado at hindi pa bakunado sa workplace kabilang na rito ang may kinalaman sa proteksyon ng mga manggagawa ngayong panahon ng pandemya.
Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng isinusulong ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na ihiwalay ang mga bakunado at hindi bakunado sa mga lugar ng trabaho.
Aniya, lahat ng suhestiyon ay kinakailangan na pag- aralan muna.
Subalit, para kay Sec. Roque, hindi pa aniya ito ang panahon para gawin ang naturang mungkahi.
Ito’y dahil nasa walong milyon pa lang ang nababakunahan sa ilalim ng vaccination program ng pamahalaan. (CHRISTIAN DALE)
131 