11,558 MWPs, IBA PANG WANTED CRIMINALS NADAKIP NG PNP-CIDG

UMABOT sa 11,558 most wanted persons at iba pang pinaghahanap na mga kriminal ang nadakip ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group sa loob ng nakalipas na taon.

Ito ang inihayag ni CIDG Director PMGen. Romeo Caramat Jr. kasabay ng pagdiriwang ng kanilang 71st Founding Anniversary.

Sa nasabing event ay ipinagmalaki ni MGen. Caramat ang naging accomplishment ng Criminal Investigation and Detection Group mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2023.

Nangunguna sa kanilang listahan ang inilunsad nilang 11,424 manhunt operations na nagresulta sa pagkakaaresto sa 11,558 most wanted persons at iba pang wanted criminals.

Kabilang dito ang police operations laban sa mga organized crime group na nagbunga ng pagkakaddakip sa 54 criminal gangs leaders at 442 crime group members.

Habang may 125 communist and local terrorist groups ang kanilang naaresto, siyam dito ang nasampahan ng kaukulang kaso.

Bukod dito, umabot sa kabuuang 1,990 loose firearms, 435 explosives, at 41,244 assorted ammunitions ang nasabat ng PNP-CIDG mula sa 1,370 police operations na kanilang isinagawa sa kaparehong taon.

Sa kampanya kontra illegal number games at iba pang mga sugal, nakakumpiska ang CIDG ng P3.9 milyong halaga ng bet money at nakaaresto ng mahigit 2,000 suspek mula sa mahigit 1,000 nilang police operations.

Habang sa kampanya laban sa smuggling, manufacturing, distribution, and trading ng counterfeit products/items ay pumalo naman sa P16.2 billyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng mga awtoridad.

Dito ay inaresto ng CIDG ng 600 economic saboteurs mula sa 303 operasyon.

Tiniyak ni Caramat na magpapatuloy ang CIDG sa kanilang misyon at paiigtingin pa ang kanilang kampanya sa lahat ng uri ng mga ilegal upang lalong mapababa ang krimen sa bansa alinsunod sa 5-Focused Agenda ni PNP chief, Police General Benjamin Acorda Jr.

(JESSE KABEL RUIZ)

 

33

Related posts

Leave a Comment