P31.07-B DROGA NAKUMPISKA NG PDEA

UMABOT sa P31.07 bilyong halaga ng iba’t ibang uri ng illegal drugs ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng nakalipas na anim na buwan.

Sa datos ng PDEA, bunsod ng inilunsad na anti-narcotics operations ng ahensya mula Hulyo hanggang Disyembre ng taong 2023, nakapagtala ng umabot sa P31.07bilyong halaga ng iba’t ibang uri ng ilegal na droga na nasamsam at naalis sa lansangan.

Ayon sa True Number na ibinahagi ng PDEA, kabilang sa nasamsam na mga droga ang apat na tonelada o 4,212.24 kilos ng shabu; cocaine, 48.2 kgs; ecstacy, 54,013 na piraso, at marijuana na umabot sa 3,158.98 kilos.

Ipinagmalaki naman ng PDEA na patuloy na dumarami ang bilang ng mga drug cleared barangay na umabot na ngayon sa 28,243. Habang bumaba rin ang talaan ng mga drug affected barangay na nasa 7,268.

Isang clandestine laboratory ang sinalakay at tuluyang winasak ng PDEA habang 822 drug den ang nadiskubre at winasak ng mga anti- drugs operatives.

Umabot naman sa 5,137 drug personalities na itinuturing na mga high value target ang naaresto habang nasa 75,880 ordinary drug personalities ang nadakip at mga kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2022 o RA 9165.

Samantala, umabot sa 55,495 ang naitalang anti-drug operations ng mga operatiba ng PDEA.

Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, tuloy-tuloy at mas paiigtingin pa ng kanilang ahensya ang ilulunsad na anti-drug operations sa buong bansa. Maging ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga counterpart sa iba’t ibang bansa ay palalakasin din upang masupil ang pagpupuslit ng droga sa bansa.

(JESSE KABEL RUIZ)

132

Related posts

Leave a Comment