12-ANYOS NATAGPUANG NAKALUTANG SA ILOG

CAVITE – Bangkay na nang matagpuan habang nakalutang sa ilog ang isang 12-anyos na binatilyo makaraang hindi makauwi sa kanilang bahay sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Jancel Mark Ramos, ng Brgy. Timalan, Balsahan, Naic, Cavite

Ayon sa ulat, alas-3:45 ng hapon noong Oktubre 1 nang umalis sa kanilang ang bahay ang biktima ngunit t hindi na nakauwi.

Nakatanggap naman ng impormasyon ang mga magulang dakong ala-una ng hapon noong Lunes, na nagtungo ang biktima at ilang mga kaibigan nito sa ilog sa Salag, Brgy. Timalan upang maligo.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang pamilya sa barangay officials at ginalugad ang lugar hanggang sa natagpuan ang biktimang walang buhay na nakalutang sa ilog.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon, walang nakitang bakas ng anomang senyales na may foul play sa pagkamatay ng biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

229

Related posts

Leave a Comment