12 KILONG SHABU NASABAT SA NAIA

MILYON-MILYONG halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay, Huwebes ng hapon.

Dinakip ang hindi muna pinangalanang babae na sinasabing courier ng droga na nakalagay umano sa initan ng tubig.

Base sa ulat ng Bureau of Customs na nakabase sa NAIA, bandang alas-4:00 pasado nang tangkain umanong ipuslit ang droga.

Sa pagbeberipika ng airport authorities ay nadiskubre ang nasa 12 kilong hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng nasa P6.8 milyon.

Nasa kustodiya na ng BOC ang suspek habang isinasailalim sa patuloy na imbestigasyon upang matukoy ang mga kasabwat nito. (RENE CRISOSTOMO)

35

Related posts

Leave a Comment