16 TAON KULONG SA HITMAN NI PERCY LAPID

BIGO ang self-confessed gunman na si Joel Escorial na mapababa ang sentensya laban sa kanya kaugnay ng pagbaril sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ito ay sa kabila ng kanyang pagiging self-confessed at pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa paglutas sa nasabing kaso sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa iba pa sa kanyang mga kasamahan sa naturang krimen.

Ayon sa abogado ng pamilya ni Lapid na si Atty. Danny Pelagio, pinatawan ng walo hanggang 16 taong pagkakakulong ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 254, si Escorial at hindi rin aniya napababa ang kasong murder na kinahaharap nito, sa kasong homicide.

Aniya, sa ngayon ay wala pa naman aniyang inilalabas na written order hinggil sa naturang conviction ngunit naitakda na ang mga kondisyon at prosekusyon ukol dito na tinanggap naman ni Escorial.

Samantala, nakatakda naman sa Hunyo 24, 2024 ang susunod na pagdinig ng korte hinggil sa kasong ito.

Ibinahagi rin sa social media ng kapatid ni Percy na si Roy Mabasa ang naging hatol ng korte.

Isa ring journalist si Roy at sa naging post nito, sinabing si Escorial ay nakatanggap ng sentensiya ng walong taon at walong buwan hanggang 16 taong pagkakakulong.

“As an accomplice to the murder, Escorial will stay in the custody of the PNP Custodial Center until the trial of Christopher Bacoto, another alleged accomplice, concludes, bahagi ng post ni Roy Mabasa.

Matatandaang kasama si Ricardo Zulueta, dating BuCor deputy security officer, na iniulat na namatay sa heart attack noong Marso, sa sinasabing mga kasabwat ni BuCor Director General Gerald Bantag bilang mga utak ng pagpatay kay Percy.

(JULIET PACOT)

 

40

Related posts

Leave a Comment