P15-M WAREHOUSE SA BINONDO, NATUPOK

TINATAYANG umabot sa P15 milyong halaga ang nilamon ng apoy sa nasunog na warehouse sa Binondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimulang makitaan ng usok sa storage building sa Ritz Royal Tower sa 8th floor Room A ng 20 storey building sa Camba St. sa nasabing lugar.

Pag-aari ng MC Gold Prime Ventures Inc., ang gusali na nasunog, ayon sa impormasyon mula sa BFP.

Hindi naman pinangalanan ang occupant ng nasunog na bodega na isang Chinese national.

Umabot naman sa 12 oras ang sunog na nagsimula ng alas-9:33 ng gabi noong Lunes at naapula lamang dakong alas-9:26 ng umaga nitong Martes.

Tatlong indibidwal ang iniulat na sugatan sa nangyaring sunog.

Samantala, sumiklab din ang sunog sa San Andres, Malate, Maynila kung saan pawang yari sa light materials ang mga kabahayan na tinupok ng apoy.

(JOCELYN DOMENDEN)

49

Related posts

Leave a Comment