165 PATAY, 496 SUGATAN SA SUNOG SA 1ST QUARTER NG 2024

UMABOT sa 165 katao ang naitalang nasawi habang nasa 496 naman ang bilang ng mga nasugatan o nasaktan sanhi ng naganap na mga sunog sa loob ng unang quarter ng taong 2024, ayon sa datos ng Bureau of Fire Protection.

Batay sa hawak na record ng BFP, umabot na sa kabuuang 165 ang fire related deaths, habang nasa 496 ang nasaktan, 46 sa mga ito ay dumanas ng pinsala.

Nabatid na bukod sa lumobong bilang ng casualties sanhi ng nangyaring fire incidents, umabot sa 40 porsyento ang itinaas ng bilang ng mga insidente ng sunog sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas nitong unang quarter ng taong 2024.

Nagresulta sa mahigit P4.2 bilyong halaga ng pinsala sa mga ari-arian ang mga sunog na sumiklab sa ilang bahagi ng bansa ngayong taon.

Ayon sa BFP, nakapagtala ang kawanihan ng kabuuang 9,568 fire incidents sa bansa mula noong Enero 1 hanggang Mayo 10 ng taong kasalukuyan.

Sa kanilang estadistika, mataas ng 40% ang naitalang kaso ng sunog kumpara sa nasa 6,815 bilang ng fire incidents na naitala sa kaparehong panahon noong taong 2023. (JESSE KABEL RUIZ)

27

Related posts

Leave a Comment