2 DALAGITA GINAHASA NG 3 LALAKI SA PORT AREA

ARESTADO sa follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 ang dalawa sa tatlong lalaking gumahasa umano sa dalawang dalagita sa sa11th at 12 Streets sa Port Area, Manila, iniulat ng pulisya.

Nahaharap sa kasong statutory rape at slight illegal detention ang arestadong mga suspek na kinilalang sina Alejandro Galera, 25; Michael Politico, 28, habang patuloy na tinutugis ang nakatakas na si Rolando Garela.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander, itinawag ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, commander ng MPD-Sta. Mesa Police Station 8, ang insidente ng rape sa nasabing lugar.

Agad naman niyang iniutos sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng follow-up operation hinggil sa insidente.

Sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa pangunguna nina Police Major Armando Lingit, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Police Captain Abdurahman Abdula, hepe ng Police Community Precinct 4, nadakip ang dalawang suspek habang nakatakas ang isa nilang kasama.

Nauna rito, bandang alas-2:30 ng madaling araw noong linggo nang halinhinang umanong ginahasa ng mga suspek ang dalawang dalagita na may gulang na 13 at 14-anyos, sa bahay ng mga ito sa nasabing lugar.

(RENE CRISOSTOMO)

 

425

Related posts

Leave a Comment