2 DRUG PERSONALITIES HULI SA P1-M DAMO

TINATAYANG umabot sa mahigit P1 milyong halaga ng pinatuyong marijuana ang nakumpiska sa dalawang drug personality kasunod ng ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakalipas na Linggo sa Brgy. Poblacion, Aguila, Pangasinan.

Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, isang buy-bust operation ang inilatag ng kanyang mga tauhan mula sa PDEA Regional Office 2.

Sa isinagawang anti-narcotics operation, katuwang ang PDEA RO IV-A, RSET, kasama ang PDEA Pangasinan PO, matagumpay na naaresto ang dalawang suspek na kinilalang sina Donato Daguasi Abideo, 19, binata, ng Nalusbo, Kayapa, Bakun, Benguet, at Vernie Daguasi Abideo, 26, binata, ng Nalusbo, Kayapa, Bakun, Benguet.

Nakumpiska sa dalawang suspek 12 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,400,000; isang Russian machine at ang ginamit na boodle money

Nabatid report ng mga operatiba kay PDEA DG Lazo, kasalukuyang nasa kanilang kustodiya ang dalawang suspek kaugnay sa isinasagawang follow-up operation habang inihahanda ang kasong paglabag sa Seksyon 5, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(JESSE KABEL RUIZ)

39

Related posts

Leave a Comment