2 HOLDAPER NA INDIANS, TIKLO SA OFF-DUTY COP

SWAK sa hoyo ang dalawang Indian national nang mabulaga ng isang off-duty na parak habang hinoholdap ang isang kababayan sa Valenzuela City.

Ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Manjot Singh Buttar at Jagdeep Singh, kapwa nasa hustong gulang.

Ayon sa impormasyong nakalap, pumunta ang biktimang hindi na isiniwalat ang pangalan, sa RMB Junkshop sa La Mesa, Ugong, Valenzuela City para maningil ng pautang noong umaga ng Disyembre 9, nang tutukan ito ng baril at holdapin ng mga suspek.

Tiyempong napadaan ang off-duty na pulis ng Quezon City at nabulaga ang mga suspek.

Nang tutukan umano ni Buttar ng baril ang pulis ay binaril siya nito sa kaliwang binti habang nasakote ng Valenzuela Police ang isa pang suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang isang baril na kargado ng bala, identification cards, P2,000 salapi, cellphone, pitaka, at asul na motorsiklo. (ALAIN AJERO)

2

Related posts

Leave a Comment