2 HUMAN TRAFFICKINGVICTIMS, HINARANG SA NAIA

HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang babae na hinihinalang mga biktima ng human trafficking.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang dalawang babae ay hinarang sa NAIA noong nakaraang Pebreo 4 at 5.

Ang nasabing mga pasahero ay isinailalim sa secondary inspection at nadiskubre sa kanila ang mga dokumentong pawang peke.

Ayon sa BI’s Travel Control and Enforcement Unit, ang isang pasahero ay naharang noong Pebrero 4 habang pasakay sa Emirates flight patungong Saudi Arabia, nang matuklsan nagsinungaling sa tunay niyang edad.

Pabago-bago umano ang mga sagot nito sa interview lalo na sa kanyang edad. Natuklasang ang tunay niyang edad ay 24-anyos, subalit sa kanyang mga dokumento ay nakalagay na 29-anyos na siya.

Ang isa pang pasahero na naharang noong Pebrero 5 ay pasakay na sana sa isang ng Philippine Airlines flight patungong Singapore ngunit nadiskubreng may dalang pekeng overseas employment certificate (OEC).

Ang dalawa ay itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa kaukulang tulong at pagsasampa ng mga kaso laban sa kanilang recruiters. (JOEL O. AMONGO)

40

Related posts

Leave a Comment