2 NALIBING SA HINUHUKAY NA DEEPWELL SA QUEZON

QUEZON – Dalawa katao ang nalibing nang buhay sa kanilang hinuhukay na gagawing balon sa Barangay Biyan, sa bayan ng Calauag sa lalawigan noong Martes ng hapon.

Ayon sa report ng Calauag Police, nasa 13 feet na ang nahuhukay ng apat na trabahador nang bigla na lamang gumuho ang gilid ng lupa sa parisukat na hukay na may luwang na 6 feet, dakong alas-5:45 ng hapon.

Bunsod nito, natabunan ng lupa ang apat na mga trabahador.

Kaagad namang nasaklolohan ang dalawa sa mga trabahador na sina

Ulpiano Valencia Cantara, 69, at Saturnino Maraña, na nasa bandang itaas ng hukay, kapwa dumanas ng bahagyang pinsala.

Sinamang-palad namang tuluyang natabunan ang mga biktimang sina

Joseph Estaka at Joselito Dominiano.

Hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, hindi pa narerekober ang dalawang biktima.

Patuloy ang isinasagawang rescue/retrieval operation at ayon sa Calauag MDRRMO, gagamit ng backhoe ang mga rescuer para makuha ang mga ito.

(NILOU DEL CARMEN)

37

Related posts

Leave a Comment