KALABOSO ang tatlo katao makaraang makuhanan ng halos P.8 milyong halaga ng umano’y shabu sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Caloocan City.
Dakong alas-2:05 ng gabi noong Enero 6 nang dambahin sa Tala, Barangay 188, ng lungsod ang mga suspek na sina Farok Carnabal alyas “Amo”, 18, at Akim Basher y Toledo alyas “Polpol”, 18, matapos makumpiskahan ng 105 gramo ng umano’y shabu na may presyong ₱714,000, boodle money at isang asul na pouch.
Dakong alas-9:40 naman ng umaga sa nasabi ring araw nang matimbog sa operasyon sa C3 Road, Barangay 28, Caloocan si Edwin Valenzuela y Ero alyas “Wendy”, 41, ng Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan, makaraang makuhanan ng 10 gramo ng umano’y shabu na may presyong ₱68,000, at boodle money.
Pawang ipiniit ang tatlo at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)
