2 TULAK NABINGWIT SA P353K SHABU

NABINGWIT ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Group (DDEG) ng Manila Police District sa ikinasang buy-bust operation ang dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga sa Sampaloc, Manila noong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Elmer Patiag, 23, at Mary Rose Soriano, 20-anyos.

Ayon sa ulat nina Police Major Chey Saulog at Police Captain Bernardo Diego, bandang alas-4:15 ng madaling araw nang ikasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation sa may riles ng tren sa Algeciras Street, Sampaloc, Manila, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(RENE CRISOSTOMO)

48

Related posts

Leave a Comment