Kami Naman inilantad sa Kalikasan Kabataan, Kagitingan Youth Music Festival

Natapos na ang misteryo tungkol sa malalaking”Kami Naman” murals na nagsulputan sa iba’t ibang lugar sa bansa nang ito ay ilantad sa katatapos lamang na “Kalikasan, Kabataan, Kagitingan” youth music festival sa Montalban Sports Complex sa Rizal. Hatid ng SAVE ME Movement (Students Action Vital to the Environment and Mother Earth Movement), tampok sa youth music festival ang mga batikan na musikero at mang-aawit tulad nila CJ Villavicencio na nagsilbing host, I Belong to the Zoo, Dilaw, Janina Tenoso, Illest Morena, Johannes Rissler, Kyle Echarri, at may special performance pa ni Gian Madrigal at Lara Maigue.

Ang mga “Kami Naman” murals ay isang simbolo ng nararamdaman ng maraming Pilipino sa mga nangyayaring bangayan sa gobyerno na hadlang sa pag-unlad ng bayan. Ang mga mural ay nagpapahiwatig ng pagnanasa ng taumbayan na magkaisa ang ating mga namumuno at tigil na muna ang pamumulitika, itigil na ang gulo.

Pagtuunan muna ng pansin ang pagserbisyo sa bayan at pagtugon sa mga daing ng mamamayan.

Patok ang mensahe ng Kami Naman sa mga kabataan na dumalo na ikinagalak ng SAVE ME Movement dahil isinusulong nila ang youth empowerment. Nawa’y ang mga Kami Naman murals ay magsilbing hudyat sa patuloy na paghahangad ng pagkakaisa at pagpapaalala sa ating mga namumuno na bigyang halaga ang kapakanan ng bayan kaysa sarili nila.

(DANNY BACOLOD)

37

Related posts

Leave a Comment