25 DAYUHAN HINARANG NG BI SA NAIA

HINDI pinayagang makalusot sa bansa ang 16 Vietnamese nationals matapos harangin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport noong Abril 25.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, karamihan umano ng mga dayuhan na nagtatangkang pumasok sa bansa bilang mga turista, ay nauuwi sa ilegal na trabaho lalo na sa illegal online gaming hub.

“These foreign nationals have all the complete documents needed as they are pretending to be regular tourists,” sabi ni Tansingco. “But careful scrutiny will show that they have a different intention of coming to the Philippines,” dagdag pa ni Tansingco.

Ang mga dayuhan na binubuo ng 12 lalaki at 4 na babae ay naharang nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, sakay ng Cebu Pacific flight mula Ho Chi Minh.

Sa pangunang inspeksyon ng mga miyembro ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), napansin na hindi alam ng naharang na mga dayuhan kung anong lugar ang kanilang bibisitahin sa Pilipinas.

Sa parehong petsa, pinagbawalan ng I-PROBES ng BI ang pagpasok ng limang lalaking Chinese na hinihinalang papasok upang magtrabaho bilang mga manggagawa. Dumating ang limang lalaki sa NAIA Terminal 1 mula Quanzhou, China sakay ng Xiamen Air flight.

“They were excluded for being likely to become a public charge after officers found that they are unable to support their personal stay in the country,” saad ng BI.

Noong Abril 26, pinagbawalan din ng BI ang pagpasok ng 3 babaeng Vietnamese at 1 Chinese na lalaki para sa kahina-hinalang layunin ng paglalakbay sa bansa.

Kasabay nito, naglabas si Tansingco ng kautusan na nag-aalerto sa mga tauhan ng BI na namamahala sa mga pantalan matapos makatanggap ang bureau ng intelligence reports na ang mga sindikato ng human smuggling ay muling nagtangkang magpasok ng mga ilegal na dayuhan.

“Since last month, I have ordered our immigration officers deployed international airports to be on the lookout for certain foreign nationals who would attempt to enter the country disguised as tourists but whose real intent is to work here illegally in violation of the conditions of their admission and stay as temporary visitors,” saad ni Tansingco.

(JOCELYN DOMENDEN)

49

Related posts

Leave a Comment