3 HULI SA KALAHATING KILO NG SHABU

TATLONG hinihinalang big time drug personalities ang nadakip sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) sa isang mall sa Bicutan, Taguig City.

Partikular na isinagawa ang operasyon sa basement parking ng isang mall sa Don Bosco, Parañaque City bandang alas-12:20 kahapon ng tanghali kung saan sakay ang mga suspek sa itim na kotseng Hyundai Accent na may plakang AQQ-2908.

Kinilala ang mga nadakip sa inilatag na anti-narcotics operation ng mga ahente ng PDEA-NCRO, katuwang ang Bicutan PNP, na sina Guaiani Guiaman Asher, 32; Guiani Guiaman Ariedz, 29, at Kudandin Abo Almajid.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 500 grams ng hinihinalang shabu na nakasilid sa anim na knot tied transparent plastic sachets, na may street value na mahigit P3.4 million.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(JESSE KABEL RUIZ)

47

Related posts

Leave a Comment