PINOY FISHERMEN SENT OFF TO WPS

Matapos tiyakin ang buong suporta ng gobyerno para mapalakas ang pangingisda, nakiisa si Senador Cynthia A. Villar sa pagpapaalis ng grupo ng mga mangingisda papuntang West Philippine Sea (WPS), sa paglulunsad ng proyekto ng BFAR na ‘Layag West Philippine Sea’ nitong Miyerkules, Abril 16, sa Subic Zambales.

Kasama ng Senador, chairperson ng Senate Committee on Agriculture, sina BFAR National director, Atty. Demosthenes Escoto, Subic Zambales Mayor Jonathan John F. Khonghun, Castillejos, Zambales Mayor Jeffrey Khonghun, National Security Council Deputy Director General Nestor Herico, PCG Commandant CG ADM Ronnie Gavan, Presidential Assistant for Maritime Concerns Sec. Andres Centino, AFP-WesCom Deputy Commander for External Defense Operations BGen. Romulo Quemado, at mga pangunahing opisyal ng DA-BFAR.

Binanggit ni Villar ang pangangailangang protektahan ang WPS dahil ang malaking porsyento ng ating mga isda ay dito nanggagaling.

(Danny Bacolod)

44

Related posts

Leave a Comment