3 SASAKYAN NABAGSAKAN NG 4.2 TONELADANG BAKAL

TATLONG sasakyan ang nayupi nang mabagsakan ng 4.2 toneladang bakal makaraang mapatid ang kable ng crane sa isang construction site sa Aguilar Street sa panulukan ng Recto Avenue sa Maynila.

Ayon kay Chairman Winsen Yu ng Barangay 294, isang trabahador sa construction site ang nasugatan sa insidente na nangyari dakong alas-6 ng umaga nitong Miyerkoles.

Kabilang aniya sa nabagsakan at tinamaan ng mga bakal ang isang kotse, dalawang motor, mga bisikleta gayundin ang isang karinderya sa lugar.

Natapyasan din ang isang gusali na katabi ng itinatayong high rise building o condominium unit.

Agad namang naglabas ng kautusan si Yu na pansamantala munang itigil ang konstruksyon ng T1 Residence na nasa mahigit 60 palapag.

Agad pinulong ni Yu ang mga safety officer na wala munang gagawa ng konstruksyon hangga’t ‘di pa nagagawan ng paraan ang mga pinsala sa nangyaring insidente sa kanilang barangay.

“For the meantime, tigil operasyon muna sila—kailangan munang mabayaran nila ang mga damages,” pahayag ng punong barangay.

Ayon pa kay Yu, itinawag na rin nila City Engineer ng lungsod ng Maynila ang insidente upang itsek ang gusali na nadamay sa pagbagsak ng mga bakal na karga ng crane.

(RENE CRISOSTOMO)

45

Related posts

Leave a Comment