AUSSIE-AMERICAN SEX OFFENDER NAHARANG SA NAIA

NAHARANG ng Bureau of Immigration na makapasok sa bansa ang isang Australian-American national na wanted sa mga awtoridad sa Amerika dahil sa ilang sex offense.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang 54-anyos na si Robert David Fenton ay pinaalis lulan ng flight papuntang Los Angeles noong Abril 23 matapos tanggihan ang pagpasok nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon kay Tansingco, kasama ang pangalan ni Fenton sa Interpol derogatory system na nagsasaad na ito ay napapailalim sa red notice dahil sa pagiging wanted sa mga sex crime sa US.

Agad siyang inisyuhan ng exclusion order ng BI at inilagay sa immigration blacklist bilang undesirable alien.

Ayon kay BI-Interpol Unit acting chief Jaime Bustamante, wanted si Fenton para sa paglilitis sa US sa kasong aggravated indecent assault laban sa isang biktima na wala pang 16 taong gulang.

(JOCELYN DOMENDEN)

52

Related posts

Leave a Comment