RETIRADONG PULIS ARESTADO SA KIDNAPPING

INARESTO ng mga tauhan ng Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police, Quezon City Team at ng Manila Police District- Jose Abad Santos Police Station 7, sa bisa ng warrant of arrest, ang isang retiradong pulis dahil sa kasong kidnapping for ransom, sa Tondo, Manila.

Kinilala ang suspek na si Police Staff Sergeant Navarro, 58, ng Tondo, Manila, dating pulis ng MPD.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:00 ng hapon noong Linggo nang arestuhin ang suspek sa kanyang bahay sa Barangay 56, Zone 5, sa Tondo.

Hindi naman umano pumalag ang suspek nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Louie Bran – Roselle

Sze, ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 87 ng Quezon City, dahil sa kasong kidnapping for ransom.

(RENE CRISOSTOMO)

36

Related posts

Leave a Comment