4 DURA-DURA/IPIT GANG MEMBERS NASILO SA MAYNILA

APAT na hinihinalang mga miyembro ng “Ipit gang” at Dura-dura gang” ang nadakip ng mga tauhan ng Theft and Robbery Section ng Manila Police District, sa inilatag na intelligence driven operation sa Light Rail Transit 1 noong Lunes at Martes ng hapon.

Isinagawa ang operasyon sa pamumuno nina Police Lieutenant Orlando Mirando Jr., Major Rommel Anicete, hepe ng Criminal Investigation Section (CIS), at Executive Master Sargent Donald Panaligan ng Thief and Robbery Section.

Nadakip sa operasyon noong Marso 11 ang mga suspek na sina alyas Erwin, 39, at “Bitoy”, 44-anyos, habang naaresto naman noong Marso 12 sina alyas “Leonard”, 32, at “Ompong”.

Nabatid na ang isa sa mga suspek ay may bench warrant dahil sa kasong paglabag sa Anti-Piracy law, highway robbery sa Mandaluyong City.

Ayon sa imbestigasyon, modus ng mga suspek na harangin ang mga pasaherong sasakay at bababa mula sa LRT 1 at iipitin sabay dudukutan ang mga ito.

Sa isa pang modus ng mga ito, sasabihin nilang may dura o dumi sa paanan ng biktima at haharangan ito habang may dumudukot naman sa bulsa o bag nito.

(RENE CRISOSTOMO)

44

Related posts

Leave a Comment