BANGKAY NA WALANG ULO NATAGPUAN SA TABI NG ILOG

MAGUINDANAO – Isang bangkay ng lalaki na walang ulo ang natagpuan ng mga residente sa tabi ng ilog sa Barangay Solon, sa bayan ng Sultan Mastura sa lalawigan noong Huwebes.

Dakong alas-2:00 ng hapon nang matagpuan ito ng isang residente na napadako sa lugar.

Hirap naman ang mga imbestigador ng Sultan Mastura Police Station at ang SOCO na kilalanin ang biktima dahil wala itong anomang identification card. Wala ring nakakikilala dito sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, tinatayang nasa edad 31 hanggang 45-anyos ang biktima na nakasuot ng t-shirt na may nakasulat na “Fending Puma Italy 1925” at naka-jogging pants.

Bukod sa pugot ang ulo, may mga sugat din ito sa braso. Hindi pa natatagpuan ang ulo nito.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.

(NILOU DEL CARMEN)

34

Related posts

Leave a Comment