4 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA ZAMBOANGA DEL NORTE

APAT na kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa panibagong sagupaan sa bayan ng San Jose at Wilben sa Sergio Osmeña, Zamboanga Del Norte, ayon sa ulat ng Philippine Army.

Isa sa mga rebeldeng napaslang ay kinilalang si Charlie Hintapa, alias Esik/Andot, team leader ng guerilla front Sendong.

Tatlo pang kasapi ng GF Sendong na napatay ay kinilalang sina Maria Luz Ranan aka Hill/Mona, Jerome Lobo Albios aka Larry/Lomer, at Mary Ann Nabicis aka Bianca/Richel.

Sa nasabing encounters, nabawi ng government troops ang isang MK 2 grenade, cellphone, spent shells of 5.56mm, 5.56mm M4 rifle, at personal belongings.

Nabatid na nakasagupa ng mga rebeldeng Communist party of the Philippines ang tropa ng 97th Infantry Battalion, 53rd Infantry Battalion, at 106th Infantry Battalion na nasa ilalim ng 102nd Infantry Brigade, 1st Infantry Division ng Philippine Army.

Samantala, inihayag ng Philippine Army na natukoy na nila ang identity ng pito sa sampung pinaniniwalaang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) na kinabibilangan ng mag-asawang kapwa opisyal ng kilusan na unang napaslang sa military aerial at ground offensives sa Malaybalay City, Bukidnon noong madaling araw ng Pasko.

Sinabi ni 4ID, Philippine Army spokesperson Maj. Francisco Garello Jr., kinilala ang mag-asawa na sina Beverly Sinunta alyas Ayang na tumatayong secretary, at Alfredo Banawan alyas Alab na nagsilbi rin deputy secretary ng Sub-Regional Committee-2 (SRC2), Headquarters Loader and Regional Sentro De Gravidad (RSDG) Compaq na lahat ay sakop ng North Central Mindanao Regional Committee.

Bukod sa mag-asawang CPP-NPA officials, kabilang din sa napatay ang kanilang anak na si Chenchen Banawan alyas Pao, pawang nagmula sa Sitio Trukat, Barangay Cawayan, Quezon, Bukidnon.

Tinukoy rin ng dating NPA rebels ang ibang napatay na sina Penita Singaman alyas Pening, Bebot Solinay; Aurellio Gonsalez na lahat taga-Bukidnon at isang Loue na nagmula naman sa Agusan province.

(JESSE KABEL RUIZ)

370

Related posts

Leave a Comment