56,697 PDLs MAKABOBOTO PARA SA BSKE 2023

MABIBIGYAN ng pagkakataong makaboto ang 56,679 preso o persons deprived of liberties (PDLs) sa gaganaping 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan election ngayong Oktubre.

Ito ay kasunod ng paglagda ni Bureau of Jail Management and Penology Jail Director General Ruel Rivera sa makasaysayang hakbang ng Commission on Elections (COMELEC), Public Attorney’s Office (PAO), at ng BJMP sa isang groundbreaking Memorandum of Agreement para bigyang-daan na matamasa ng libo-libong rehistradong preso ang kanilang ‘right of suffrage’.

Sa nilagdaang kasunduan ay mabibigyan ng pagkakataon ang kabuuang 56,679 PDLs na makaboto para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE), ani BJMP DG Rivera

Nangako ang Comelec na magbibigay ng mahalagang suporta, gabay, at mapagkukunan, upang mapadali ang pagboto ng PDLs at mapanatili ang integridad ng proseso ng electoral.

Sa kabilang banda, tutulong ang PAO sa paghahain ng mga mosyon sa kani-kanilang executive judges para payagan ang PDLs na i-escort sa labas ng kulungan para sa escort voting.

Ang Bureau of Jail Management and Penology ay siguraduhin ang isang ligtas at kaaya-ayang kapaligiran ng pagboto sa loob ng mga pasilidad ng kulungan bilang special precincts ng botohan.

Paliwanag ni BJMP Director Ruel Rivera, ang inisyatibang ito ay hindi lamang nagtataguyod ng ‘inclusivity’ ngunit nagtatakda rin ng isang ‘promising precedent’ para sa hinaharap na mga pagsisikap na naglalayong palawakin ang ‘access’ sa pagboto para sa vulnerable at underrepresented group.

Isinagawa ang tripartite collaboration upang bigyang-diin ang pangako ng mga ahensya ng gobyerno na itaguyod ang demokrasya at

‘inclusivity’ sa proseso ng electoral maging sa mga nakakulong bilang paggalang din sa mga karapatan sa pagboto ng mga PDL na pinagtibay sa nilagdaang memorandum of agreement.

(JESSE KABEL RUIZ)

182

Related posts

Leave a Comment