6 TIMBOG SA ‘RECTO UNIVERSITY’

NABITAG ng mga tauhan ng District  Special Operation (DSOU) ng Manila Police District ang anim na indibidwal sa inilatag na entrapment operation sa puwestong gumagawa ng pekeng public documents sa Claro M. Recto Avenue, Barangay 310, Zone 30, Sta. Cruz , Manila.

Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Neil”, 50; “Orlando”, 52; Christian, 28; “Bernabe”, 39; Dinalyn, 40; at “Alicia”, 30-anyos.

Ayon kay Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU, inilatag ang entrapment operation makaraang magsagawa ng surveillance operation sa nasabing lugar.

Bandang alas-6:10 ng gabi, nagpanggap ang isang operatiba na magpapagawa ng driver’s license at mga dokumento na pikendos.

Nang iabot na ang halagang P500 marked money kapalit ng pekeng lisensiya, dinamba ng mga pulis si alyas “Neil” gayundin ang mga tauhan nito.

Ang mga arestado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code (Falsification of Public Documents). (RENE CRISOSTOMO)

89

Related posts

Leave a Comment