UMABOT sa halos 60 pareha ang nagsabi ng “I do” sa Pasay City sa “Kasalang Bayan” ngayong love month.
Nabatid na 57 pareha ang dumalo para magsabi ng “I do” at nagpalitan ng vows sa mass wedding na inisponsor ni Pasay City Mayor Imelda
“Emi” Calixto-Rubiano sa Pasay Astrodome noong Sabado, Pebrero 25.
Dumating ang mga pareha mula sa first and second district ng lungsod, sa Astrodome bago sumapit ang alas-7:00 ng umaga.
Sa pamamagitan ng inisyatiba nina Mayor Emi, Cong. Tony Calixto, Vice Mayor Ding Santos, Councilors Mark Calixto, Coun. Joey Calixto Isidro at iba pang konsehal, ang mga ikinasal ay nakalibre sa documentations, certified true copy ng marriage licenses, at pinagkalooban ng libreng bouquet, aras, at pagkain.
Sinabi ni Mayor Emi, na siyang nag-officiate sa mass wedding o Kasalang Bayan, ito ay bahagi ng inisyatiba ng local government na ipakalat ang kahalagahan ng matrimonial unions.
