7 biktimang kababayan tinutunton pa 4 CHINESE KIDNAPPERS LAGLAG SA CIDG

CAVITE – Naaresto ng pinagsamang pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region (NCR) at Bacoor City Police, ang apat na Chinese national dahil sa pagdukot sa kanilang mga kababayan sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga arestado na sina Huang Yang Hui, 31; Jerry Hong, 32; Yang Hua, babae, 28, pawang POGO operators, at Xiang Long Huang, 29-anyos.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod ng reklamo ni Lloyd Eloriaga, driver ng pitong biktima na pawang mga Chinese national, at nagtatrabaho bilang ITs sa POGO, na dinukot dakong ala-1:00 noong Biyernes ng madaling araw sa Gilmore St. corner 11th Street, New Manila, Quezon City.

Modus operandi ng mga abductor na kontakin ang kamag-anak ng kanilang bibiktimahin na pawang mga Chinese national, at hihingi ng ransom at kung hindi magbabayad ay ibebenta nila ito sa ibang POGO operators.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matunton ang pitong biktima. (SIGFRED ADSUARA)

119

Related posts

Leave a Comment