7 NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA NORTHERN SAMAR

MAKARAANG walang kumuhang mga kaanak, inilibing na ng mga awtoridad ang labi ng apat sa pitong napaslang na sinasabing mga miyembro ng News People’s Army matapos ang engkwentro noong Abril 30 sa Barangay Santander, Bobon, Northern Samar.

Noong Huwebes ay binigyan ng disenteng libing mga tauhan ng military at Bobon PNP ang napatay na mga NPA sa Bobon public cemetery.

Subalit ilang residente ang sinabayan ng rally ang libing at kinokondena ang umano ay patuloy na paghahasik ng takot ng mga NPA sa kanilang lugar.

Matatandaan na pitong rebelde ang napatay sa engkwentro noong April 30 ng gabi sa Barangay Santander, Bobon, Northern Samar matapos makasagupa ang mga tauhan ng Bobon Police at ng mga miyembro ng 8th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Catbalogan City, ang nasa 40 miyembro ng NPA.

Nagsagawa ng airstrikes ang mga tropa ng pamahalaan dahil napalilibutan umano ng anti-personnel mine ang nabanggit na lugar.

Umabot sa 10 minuto ang palitan ng putok at tinamaan ang pitong NPA na agad nilang ikinamatay habang nakatakas naman ang iba pa nilang kasamahan.

Matapos ang engkwentro, inilagak sa multi- purpose hall sa Barangay Salvacion ang mga narekober na labi para bigyan ng sapat na panahon ang mga kaanak para sila ay kunin, subalit apat sa mga labi ay hindi kinuha ng kanilang mga kapamilya. (NILOU DEL CARMEN)

76

Related posts

Leave a Comment