7 SUGATAN SA SUNOG SA STA. CRUZ, MANILA

UMABOT sa pito katao ang nasugatan habang tinupok ng apoy ang tinatayang 100 kabahayan sa nangyaring sunog sa Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng hapon.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), bandang alas-11:26 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa ika-2 palapag ng bahay sa 4070 Fuguso St., Sta. Cruz, Manila, na sinasabing pag-aari ng isang Eliseo Apalacio at nadamay ang iba pang mga kabahayan.

Unang idineklara ng BFP sa ikatlong alarma ang sunog ngunit makaraan ang apat na minuto ay itinaas sa ikalimang alarma.

Tinatayang umabot sa P50,000 ang halaga ng mga ari-arian na natupok sa apoy at mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Kabilang sa mga sugatan sina Bejay Aballa, 21; Renzo Aballa, 15; Ben Ben Gareia, 14; at Nash Opena, 20, na agad na nilapatan ng lunas sa EMS Sampaloc.

Nilapatan naman ng lunas ng Raja Volunteers sina Jingoy Kayo, 28; Maybel Salcedo, 30, habang binigyan din ng atensyon medikal ng Philippine Red Cross si Urmenia Opena, 22-anyos.

Sa kabutihang palad, walang iniulat na namatay sa sunog na idineklarang fire-out dakong alas-12:40 ng tanghali kahapon.

(RENE CRISOSTOMO)

86

Related posts

Leave a Comment