Bago pansamantalang inilibing CAGAYAN DE ORO LANDSLIDE VICTIMS DUMAAN SA DNA SAMPLING NG NBI

NAIHATID na sa pansamantalang pinaglibingan sa sementeryo noong Huwebes sa bayan ng Mawab ang 14 na hindi pa nakikilalang narekover na mga biktima ng Masara, Maco Landslide.

Pero tiniyak ni DILG Management of the Dead (MDM) focal person Leah Anora na naisagawa muna ng NBI ang proper DNA sampling at case numbering sa mga ito bago sila inihatid sa kanilang mga pansamantalang libingan, kaya madali itong maki-claim muli ng mga kaanak sa sandaling ito ay ma-identified at tumugma sa DNA test ng naghahanap na mga kaanak.

Kumpleto rin aniya at nakatala ang mga detalyeng nakita sa mga ito katulad ng mga tattoo, suot na damit at iba pang mga marka sa katawan at mga kagamitan na puwedeng pagbasehan ng pagkilala sa mga ito.

Ayon pa kay Anora, bukod sa 14 na inilibing, mayroon pa ngayong pinoproseso ang NBI na 31 labi na hindi pa rin nakikilala at posibleng makaraan ang proseso, muli nila itong pansamantalang ililibing pag walang nag-claim sa loob ng 72 oras.

Samantala, hanggang dakong alas-7:00 ng gabi noong Huwebes, sa tala ng PDRRMO, umabot na sa 92 ​​bangkay na ang narekober at 36 na lamang ang nawawala pa.

Tuloy pa rin ang retrieval operation ng nasa 10 team ng mga responder at target nilang makuha ang lahat ng labi ng nawawala pang mga biktima.

Ayon pa rin sa DILG, makaraaan ang trahedyang nangyari sa Barangay Masara, hindi naman mawawala sa mapa ang naturang barangay at ililipat lamang ang komunidad sa mas ligtas na lugar na sakop pa rin ng nasabing barangay.

(NILOU DEL CARMEN)

38

Related posts

Leave a Comment