800 LGBTQIA SA QUEZON TUMANGGAP NG AYUDA

TUMANGGAP ng tulong pinansyal ang daan-daang residente ng Bondoc Peninsula sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Miyerkoles, sa programa na isinagawa sa bayan ng General Luna.

Ang 784 na benepisyaryo ay mga miyembro ng grupong lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, at asexual (LGBTQIA+) na bawat isa ay tumanggap ng P3,000.

Ang Bondoc Peninsula, siyang 3rd District ng Quezon, ay binubuo ng 12 bayan.

Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay pinangunahan ni Rep. Anna Villaraza-Suarez ng Alona Party-list kasabay ng paglulunsad ng “Puso ni Alona para sa Bahaghari” sa Bulwagang May Puso sa naturang bayan

Sa nangyaring okasyon, sinabi ni General Luna Mayor Matt Erwin Florido na ang tulong pinansyal, kasama ang iba pang benepisyo, ay ipinagkaloob sa komunidad ng LGBTQIA+ upang ipakita na sila ay pinahahalagahan ng kanilang lokal na pamahalaan.

(NILOU DEL CARMEN)

121

Related posts

Leave a Comment