HVI NABITAG SA P340K SHABU

CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Miyerkoles ng gabi.

Nakakulong na sa Imus City Custodial Facility ang suspek na si alyas “James” matapos maaresto sa inilatag na buy-bust operation.

Ayon sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Drugs Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite Police Provincial Office (PPO) at Imus City Police Station sa Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nasa listahan ng high value individuals ng pulisya.

Nakuha sa suspek ang dalawang piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tinatayang 50 gramo at may street value na P340,000.

(SIGFRED ADSUARA)

 

37

Related posts

Leave a Comment