ABU SAYYAF SUSPECTED BOMBER PATAY SA MILITAR

Isang  kasapi ng Abu Sayyaf Group ang napatay ng militar sa Sulu habang isang bomb carrier ang napaslang naman sa Basilan kasunod ng magkahiwalay na sagupaan, ayon sa ulat ng AFP Western Mindanao Command.
Sa ulat ng  Armed Forces’ Western Mindanao Command, nagsagawa  ng “strike operation” ang kanilang mga tauhan sa Barangay Lumbaan Mahaba, bayan ng Parang sa Sulu bandang alas-2 ng umaga.
Dito napatay si Gan Salahudin, isang  extremist terrorist sa ilalim ng pamumuno ni  ASG sub-leader Apah Salah.
“While clearing the encounter site, troops recovered the enemy cadaver, one 5.56mm M16 rifle, and one M203 Grenade Launcher, ” ani  Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., commander  ng Western Mindanao Command.
Matapos ang documentation process, itinurn-over ng task group ang mga labi ng ASG member sa kanyang mga kaanak.
Samantala, nakasagupa ng operating troops ng Joint Task Force Sulu ang hindi nabilang na mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Barangay Buanza, Indanan, Sulu. Patuloy pa ang sagupaan, as of press time, ani Lt.Gen. Rosario.
Patay naman ang isang  suspected Improvised Explosive Device/Anti-Personnel Mine (IED/APM) carrier sa  Basilan, ayon kay Brig. Gen. Domingo Gobway, commander ng Joint Task Force Basilan.
Kinilala ang napaslang na lawless element na si Adil Akarab., isang armed terrorist group member (LLE/ATG).
Naharang ang suspek at isang kasamahan nito sakay ng motorsiklo sa inilagay na checkpoint ng military mula Dagao Patrol Base subalit hindi sila hinintuan.
Nagkaroon ng hot pursuit operation hanggang sa masabat ng mga tauhan ng  18th Infantry Battalion ang dalawang  suspected IED/APM carriers sa Barangay Sabong,  na ikinamatay ni  Akarab at pagkasamsam sa IED/APM na nakasilid sa  dilaw na sako  at  disassembled M16 rifle na nasa puting sako.
Nakatakas naman ang driver ng  motorcycle  sa direksyon patungong Barangay Baas, Lamitan City.
“I commend the troops of JTF Basilan for the neutralization of the IED carrier and for foiling the bomb plot of our adversaries. I urge everyone to always remain calm and vigilant, and immediately report to the authorities any suspicious activity in your vicinity,” ani Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., commander ng Western Mindanao Command. (JESSE KABEL)
61

Related posts

Leave a Comment