NANAWAGAN ang ACT-CIS Party-list sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) na bigyan ng prayoridad ang overseas Filipino workers (OFW) na patungo ng Kuwait pero naudlot ang pag-alis matapos pigilan ng naturang bansa ang pagpasok ng mga first time Pinoy roon.
Ayon kay ACT-CIS First Nominee Rep. Edvic Yap, “sila ang dapat unahin natin na makakuha ng mga bagong kontrata pa-ibang bansa kasi marami na sila nagastos sa medical, mga clearance, at pamasahe galing sa kanilang mga probinsya”.
“Kung pareho lang naman sa Kuwait ang trabaho tapos may opening sa ibang middle eastern country, sila muna siguro ang unahin alukin ng trabaho para ma-offset ang gastusin nila,” paliwanag ni Cong. Yap.
“Ang mahirap diyan, umaasa na ang pamilya nila na makakatulong sila in a month naging bato pa,” pahabol ni Yap.
Kamakailan isinara ng Kuwait ang kanilang bansa sa mga first time OFW dahil umano sa “hindi pagsun
