AKYAT-BAHAY NASILO SA IMUS CITY

CAVITE – Arestado ang isang 19-anyos na hinihinalang akyat-bahay makaraang inguso na siyang tumangay sa halos P200,000 halaga ng laptop, mountain bike at sari-saring damit mula sa isang bahay na nilooban nito sa Imus City, nitong Linggo ng madaling araw.

Dinakip ang suspek na si alyas “Joshua”, ng Brgy. Bucalandia, Imus City, matapos pasukin ang bahay ni alyas “Cherry”, 49, ng Brgy. Buhay na Tubig, Imus City.

Ayon sa ulat, pinasok ng suspek ang bahay ng biktima sa nasabing lugar sa pamamagitan ng pag-akyat sa isang puno malapit sa terrace dakong alas-3:00 ng madaling araw at tinangay ang ilang mga kagamitan.

Subalit ligid sa kaalaman ng suspek, may nakakita sa kanya na nagresulta upang madakip ito at nabawi ang tinangay na mga kagamitan.

(SIGFRED ADSUARA)

54

Related posts

Leave a Comment