AMOK NA JOBLESS TIMBOG SA SUMPAK

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, ang isang 40-anyos na jobless makaraang maghamon ng away sa kalsada habang armado ng sumpak sa Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila noong madaling araw ng Huwebes.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Napi”, binata, nahaharap sa kasong paglabag sa RA10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang biglang maghamon ng away ang suspek sa nasabing lugar habang armado ng sumpak kaya agad na ipinagbigay-alam ng mga residente sa mga awtoridad.

Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.

(RENE CRISOSTOMO)

30

Related posts

Leave a Comment