ANGKAS RIDER BINARIL SA SABUNGAN

CAVITE – Sugatan ang isang 35-anyos na Angkas rider nang pagbabarilin ng tatlong motorcycle rider habang papalabas galing sa isang sabungan sa Imus City noong Huwebes ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa ospital ang suspek na si alyas “Jeffrey”, 35, ng Pasong Buaya 1, Imus City, dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na sakay ng motorsiklo na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa ulat, dakong alas-11 ng gabi nangyari ang insidente sa harapan ng New Imus Cockpit Arena sa Brgy. Malagasang I-G, Imus City.

Kalalabas lamang ng biktima sa sabungan at naglalakad patungo sa parking area nang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Matapos ang pamamaril ay sumakay ang mga suspek sa motorsiklo at tumakas sa direksyon ng Malagasang Road.

Inaalam pa kung magkaka-angkas sa isang motorsiklo o gumamit ng dalawang sasakyan ang mga suspek.

Nagsasagawa ang mga awtoriadd ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa posibleng dinaanan ng mga ito.

(SIGFRED ADSUARA)

51

Related posts

Leave a Comment