ARMS CACHE NG TERROR GROUP NATUNTON

SARI-SARING baril at bala ang nadiskubre ng mga tauhan ng 7th Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Force Central nang matunton nila ang taguan ng mga armas ng hinihinalang lawless elements o terrorist groups sa Sultan Kudarat nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., commander ng Western Mindanao Command, nahukay ng kanyang mga tauhan ang mga sandata na ibinaon sa Sitio Kanalan, Barangay Marquez, Esperanza, matapos na ituro ng concerned residents.

Sinabi ni Lt. Gen. Rosario Jr., ang cache ay binubuo ng 34 na 12-gauge shotgun, isang M79 grenade launcher, isang Springfield rifle, isang cal. .22 rifle, dalawang single-shot pistol, isang cal. 45 pistol, isang Uzi pistol, dalawang IED detonator, at iba’t ibang bala.

Ang mga baril ay inilagay sa ilalim ng kustodiya ng 7IB para sa pag-iingat.

“Together with our partners, we will continue to go after individuals and groups that wreak havoc in the communities,” ayon kay Lt. Gen. Rosario, Jr. “We call on all peace-loving citizens to support this endeavor, as we are aware that the role of the people is very essential in defeating the threat groups.”

Ayon sa Joint Task Force Central commander, ang narekober na mga baril ay pag-aari ng mga kasapi ng isang mass organization. Ang lokasyon ng mga baril ay isiniwalat ng sumukong miyembro ng grupo. (JESSE KABEL)

3

Related posts

Leave a Comment