Asawa’t anak sugatan PASTOR PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

RIZAL – Patay ang isang 59-anyos na pastor habang sugatan din ang angkas niyang misis at kanilang 2-anyos na anak na paslit, nang maaksidente at sinasakyan nilang motorsiklo sa Brgy. Inarawan, Antipolo City noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang namatay na biktimang si Caesar Cabiles, residente ng Brgy. Pinugay, Baras, Rizal; isang Doctorate of Ministry pastor ng Born Again Christian group na Jesus Our Rock and Hope Church.

Nasugatan naman ang misis nito na si Arlene Cabiles, 49, at ang kanilang paslit na anak.

Ayon sa report ng Antipolo Police, tinatahak ng motorsiklo ng mag-anak ang kurbadang bahagi ng Marcos Highway nang biglang sumalubong sa kanilang linya ang motorsiklo na minamaneho ng tricycle driver na si Enrico Marcos.

Para maiwasang magkasalpukan, biglang nagpreno ang pastor subalit nawalan ito ng kontrol sa motorsiklo at natumba sa kalsada.

Grabeng nasugatan ang biktima gayundin ang misis at anak nito na pawang isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ang padre de pamilya.

(NILOU DEL CARMEN)

53

Related posts

Leave a Comment