BABAERO ITINUMBA NG RIDER

PATAY ang isang 23-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng isang gunman na lulan ng motorsiklo sa panulukan ng Felix Huertas at Bambang Streets sa Sta. Cruz, Manila noong Linggo ng gabi

Kinilala ang biktimang si Aaron Gibb Mamucod, jobless, ng Tondo, Manila.

Mabilis namang tumakas ang hindi nakilalang suspek makaraan ang insidente.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Arvy Macarasig kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang alas-8:50 ng gabi pagbabarilin ng suspek ang biktima sa naturang lugar.

Blanko pa ang pulisya sa posibleng motibo sa krimen ngunit isa sa mga anggulong binubusisi ng mga awtoridad ay ang umano’y pagiging babaero ang biktima.

(RENE CRISOSTOMO)

69

Related posts

Leave a Comment