OBRERO HULI SA P.6-M SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 20-anyos na construction worker nang mahulihan ng tinatayang P.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang fastfood restaurant sa Trece Martires City sa lalawigan noong Linggo ng umaga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act, ang suspek na si alyas “Salik”, ng Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Agency ROIv-A RSET 1 at PDEA Cavite Provincial Office sa parking lot ng fastfood restaurant sa Brgy. Hugo Perez, Governor’s Drive, Trece Martires City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na P680,000, buy-bust money at isang unit ng electric bike.

(SIGFRED ADSUARA)

44

Related posts

Leave a Comment