BAGITONG PARAK ITINUMBA

BANGKAY na itinanghal ang isang bagitong parak nang ratratin ng suspek na lulan ng motorsiklo sa Caloocan City.

Dakong alas-7:30 ng madaling araw noong Hulyo 4 nang likidahin si Pat. Jefferson Valencia, 24, ng Gen. Luna, Zaragoza, Nueva Ecija.

Nagmamaneho umano si Valencia sa Clamor Ave., Brgy. 171, Bagumbong nang sumingit sa kaliwa ng kanyang sasakyan ang gunman na nasa 5’5 ang taas, nakasuot ng itim at pulang cap, itim na jacket, itim na shorts at niratrat ang biktima.

Agad nagkikisay si Valencia at sumalpok naman sa poste ng kuryente ang kanyang minamanehong sasakyan, habang tumakas ang  suspek patungong Bankers Village, Brgy. 171.

Bukod sa nakuha sa crime scene na anim na basyo ng bala at isang bala ng 9mm pistol, blangko pa ang pulisya kung sino ang suspek at kung bakit pinatay si Valencia. (ALAIN AJERO)

66

Related posts

Leave a Comment