BAHAGI NG QUIAPO BRGY. HALL, NASUNOG

NATUPOK ang lahat ang mga kasangkapan makaraang masunog ang unang palapag ng barangay hall sa Quiapo, Manila noong Lunes ng gabi.

Wala nang mapakikinabangang gamit sa unang palapag katulad ng computer na nagsisilbing monitor sa mga closed circuit television (CCTV) camera sa Barangay 306 sa Carlos Palanca St. sa Quiapo.

Batay sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-8:00 ng gabi nang mangyari ang sunog sa barangay hall sa nasabing lugar.

Ayon sa ilang opisyal, bago sumiklab ang apoy, may nangyaring malakas na pagsabog sa loob ng barangay hall.

Hanggang sa nagliyab ang command center ng barangay at mabilis na kumalat ang apoy.

Ngunit dahil sa mabilis na pagresponde ng mga bombero, umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog at hindi na nadamay ang ikalawang palapag ng barangay hall.

Wala namang iniulat na nasaktan sa sunog habang inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng natupok ng apoy na hinihinalang sanhi ng faulty wiring. (RENE CRISOSTOMO)

169

Related posts

Leave a Comment