BATA NALUNOD SA BIRTHDAY OUTING SA ILOG

QUEZON – Nauwi sa trahedya ang pagdiriwang ng kaarawan ng isang birthday celebrator nang malunod sa ilog ang isang batang lalaki na anak ng isa sa mga bisita sa Barangay Magsaysay, sa bayan ng Infanta sa lalawigan noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng Infanta Police ang biktimang si Reymark Aga Ruzol.

Ayon sa report, nagtungo sa gilid ng Agos River ang pamilya ng biktima upang makisaya sa birthday party at outing ng kanilang kaibigan.

Huling nakita ang biktima na naglalaro kasama ng iba pang mga bata sa mababaw na bahagi ng ilog, habang abala ang kanilang kasamang matatanda sa paghahanda ng pagkain.

Subalit nagulat na lamang ang lahat nang may makitang isang bata na nakalutang sa tubig at natuklasang ito ay ang biktimang si Reymark.

Agad itong sinagip at isinugod sa Claro Memorial District Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Ayon sa mga awtoridad, hindi napansin ng mga kalaro nito na napunta sa malalim na bahagi ang biktima at natangay ng agos at tuluyang nalunod.

(NILOU DEL CARMEN)

53

Related posts

Leave a Comment